Ronaldo Z. Concha

January 3, 2018

Sa Kauna- unahang pagkakataon magkakatipon tipon ang ibat ibang grupo ng mga OFW Avocates sa ibat ibang panig  ng mundo para pag usapan at gawan ng solusyon ang mga problemang kinakaharap ngayon ng mga overseas Filipino workers.

Sa panayam ng Albilad Daily English kay Yusoph T. Admain isang aktibong OFW Advocate mula sa Saudi Arabia ang dumaraming problemang kinakaharap ng mga OFWs lalo na sa mga nasa sektor na tulad ng household service ang nagtulak sa kanila para magsagawa ng isang pagpupulong kung saan ang mga aktibong OFW advocate mula sa ibat ibang panig ng mundo ay magka isa na mapag usapan ang mga ito at magkaroon ng mga rekomendasyon para sa  solusyon na mapapakinabangan ng mga manggagawang Pilipino sa ibayong dagat.

Ang household service worker na kinabibilangan ng mga OFW na nagtatrabaho bilang kasambahay ang syang may pinakamaraming problemang naitatala ayon kay Admain.

Dagdag pa ni Admain na ang lahat ng kanilang mapagkakasunduan sa tinatawag nilang OFW Summit ay kanilang isusumite sa kongreso sa senado at opisina ng presidente para sa kaukulang aksyon at  masolusyunan ang mga problema,

Ang kauna- unahang OFW Summit ay magaganap etong darating na Linggo, January 7 sa Womens Center, TESDA Complex, Taguig City mula alas Syete ng umaga hanggang alas Syete ng gabi.

Ilan sa mga pag uusapan sa isang buong araw na summit ay ang mga

·         PRO-OFW bills na naipasa sa kongreso,

·         kaso ng mga OFWs na nakasampa sa Labor at Assistance to Nationals at kung paano ito mabibigyan ng mga solusyon,

·         Economic Upliftment ng mga OFWs

·         OFW Department/Department of Migration & Development

·         Political Empowerment of OFW

·         General Issues on OFW

Inaasahan na dadalo sa kauna unahang OFW Summit sina Acts-OFW Partylist Representative John Bertiz, OWWA Administrator Hans Cacdac, Presidential Adviser on OFW Affairs Secretary Abdullah D. Mamao, PEZA Director General Charito “Ching” Plaza, TESDA Director Guiling A. Mamondiong at DSWD Undersecretary Virginia N. Orogo.

Maging ang kilalang OFW Advocates na si Susan Ople ay dadalo din sa summit.

Inaanyayahan ni Admain ang mga leaders ng ibat ibang organisasyon ng mga Filipino Community sa kanilang bansang kinaroroonan na dumalo at maki isa sa kauna unahang OFW Global Summit sa darating na Linggo.

“Para sa atin po ito mga kapwa ko OFW, panahon na magkaroon ng pagbabago sa ating hanay bilang mga mangagawang OFW sa ibayong dagat kung kayo po ay kasalukuyang nasa ating bansa at nagbabakasyon dumalo po kayo at pwede po kayong magbigay ng suhestisyon na makakabuti sa ating mga OFW.” Panawagan ni Adamain sa mga Filcom leaders at OFW Advocates

Ang kauna-unahang OFW Summit ay inorganisa ni Yusoph T. Admain, kasama sa kanyang committee sina Maritess Viray, Rashid Fabricante, Carmelita Omli, Reuel Yumul, Saga Micawayan, Eli Mua, Chet Bautista, Venecio Legaspi, Normilah Cabila, Michael Canlas, Paul Madriaga, Rudy Dianalan, Matt Bubong at Francis Oca.

Leave a Reply

Leave a Reply