Naway magsilbing babala ito sa ating mga kababayan na nagtatrabaho sa ibayong dagat partikular na sa mga nagtatrabaho bilang kasambahay sa Gitnang Silangan.

Isang Kabayan ang namomroblema sa kanyang trabaho dahil ayon sa kanya nahuli daw sya ng kanyang amo na kinkuhanan nya ng ltrato ang kanyang alaga at nag selfie pa ng naka two piece sa bahay ng amo (na track daw ang kanyang facebook) na sya raw nya ipinadala sa kanyang boyfriend.

Maswerte pa rin si Kabayan dahil hindi sya ipinakulong ng kanilang amo matapos nyang aminin at humingi ng tawad sa kanyang kasalanan pero nangangamba sya dahil nag iba na raw ang trato sa kanya ng kanyang amo.

Sa batas, traisyon at kultura sa Gitnang Silangan bawal po ang mag selfie kasama ang mga alaga na bata o mga amo at ipo post sa facebook maliban kung may pahintulot nila.

Marami na po tayong na idodokumento na mga ganitong storya at sa kabila ng ating paulit ulit na panawagan ay marami pa rin tayong mga kababayan ang paulit ulit na gumagawa nito.

#AngKaagapayngBawatOFW

Leave a Reply

Leave a Reply