Ronaldo Z. Concha

26 December 2017

Nagbigay ang ibat ibang myembro ng Filipino community sa Jeddah na dumalo ng huling linggo ng pagdiriwang ng OFW month sa Philippine Consulate ng tulong pinansyal sa pamilya San Juan para sa kaniilang anak na OFW na nakakulong mahigit na apat na taon na dahil sa kasong pagdadala ng illegal na droga sa kaharian.

Umabot sa 2,669 SARs ang nalikom na halaga na agad na ibinigay ni Atoy Esguerra ng Ang Kaagapay ng Bawat OFW sa mag asawang San Juan para makaipon ng halagang 100 SARs o katumbas ng 1.3 million pesos na gagamitin sa pagbabayad ng penalty para tuluyan na makalaya at maka uwi ng Pilipinas ang kanilang anak na si Junivie.

Ang mag asawang Jun at Elvie San Juan ay nagpunta sa Jeddah sa tulong ng Philippine Consulate at Department of Labor and Employment at ng Overseas Workers Welfare Administration para bisitahin sa kulungan ang anak na OFW na si Junivie San Juan na nasentensyahan ng mahigit na tatlong taong pagkakakulong dahil sa pagdadala ng illegal na droga galing ng Pilipinas.

Pero sa panayam ng Albillad English daily sa mga magulang ni Junivie sinabi ng mga ito na ang kanilang anak ay biktima ng mga sindikato na nag padala ng bagahe na may naglalamang illegal na droga

Sinabi ni Elvie San Juan na ang kanyang anak na si Junivie ay first timer na OFW palang ng sya ay arestuhin ng mga otoridad sa Jeddah ilang araw pagkatapos nyang dumating mula sa Mania.

Nagtiwala daw siya sa agency na nagpa alis sa kanya ng ipakisuyo na magpadala ng isang maliit na bagahe nung araw mismo ng kanyang pag alis. Dahil sa kawalan ng oras ay hindi na nagawa pang I check ang laman ng bagahe na isanama sa kanyang iba pang bagahe ng siya ay mag check-in.

Sa Jeddah na lang nalaman ni Junivie na may lamang illegal na droga ang ipinadala sa kanya nang sya ay arestuhin ng mga otoridad nung taong 2013.

At dahil sa natapos at napagsilbihan na nya ang kanyang senstensya ay may posibilidad nang makalaya si Junivie oras na mabayaran ang penalty na ipinataw sa kanya.

Nauna namang sinabi ni Philippine Consulate Acting Head of Post Consul Rj Sumague na tutulungan daw ng Saudi Authorities na ma-wave ang penalty para maka laya na si Junivie.

Pero dahil sa sakit na nararamdaman ni Junivie na nakita ng personal ng kanyang mga magulang nang sya ay madalaw sa kulungan kamakailan ay humingi ng tulong ang mga magulang ni Junivie sa mga OFW para mabayaran ang penalty ng nasabing OFW.

Sinamantala ng Ang Kaagapay ng Bawat OFW Advocacy Group ang huling linggo ng pagdiriwang ng OFW Month na inorganisa ng Overseas Filipino Workers Cooperative Council para makahingi ng tulong.

Pinangunahan nang isang Saudi National na si Abulaziz Khamees ang pagbibigay ng tulong sa mag asawa, maging mga distressed OFW na pansamantalang nakatira sa Bahay Kalinga ay nagbigay din ng kanilang ambag na ikinataba ng puso ng mag asawang San Juan.

“Lubos po ang pasasalamat naming mag- asawa sa mga tumtulong sa amin, Diyos na po ang Syang bahalang gumanti sa mga kabutihan nyo sa amin” Pasasalamat ng mag asawang San Juan.

Pinasalamatan naman ni Consul Rj ang lahat ng mga nag ambag at muli nyang ipinaalam sa mag asawang San Juan ang buong kaya nilang gagawing pagtulong para ma-wave ang penalty na ipinataw kay Junivie at makauwi na sya ng Pilipinas.

 Photo caption: Kuha ang Larawan sa loob ng Philippine Consulate sa pagdiriwang ng OFW month kung saan ang mag asawang Jun at Elvie San Juan mga magulang ni Junivie San Juan na nakakulong sa Jeddah sa kaso ng pagdadala ng ilegal na droga kasama si Abdul Aziz Khamees at Atoy Esguerra ng Ang Kaagapay ng Bawat OFW na nananawagan ng tulong na mabayaran ang penalty na nagkakahalaga ng SAR 100,000 para makalaya at maka uwi ng Pilipinas ang dalaga.

Leave a Reply

Leave a Reply