Ronaldo Z. Concha

December 25, 2017

JEDDAH: Pinasok at pinagnakawan ng hindi nakikilalang kalalakihan ang  inuupahang flat ng isang OFW na kararating lang galling ng Pilipinas.

Sa panayam ng Albillad English Daily kay Ferdie Andrade, sinabi nito na pinasok ng mga magnanakaw ang kanilang inuupahang flat nung mismong araw ng kanyang pagdating galing sa Pilipinas nito lamang unang linggo ng Disyembre.

Lumabas lang daw sila sandali ng kanyang maybahay para kumain.  Pagbalik nila sa kanilang tirahan nakita na lamang daw nila na bukas na ang pintuan, sira ang lock nito at nawawala ang kanilang mga gamit na nagkakahalaga daw ng tatlumpong libong Saudi Riyals.

“Dalawang 40 inches TV na LED dalawang laptop dalawang DSLR na camera at mga gadget na importante ang nakuha sa aming tirahan” kwento ni Ferdie.

Nakalimutan daw ng kanyang misis na I double lock ang main door ng kanilang tinitirhan kaya nadistrungka daw agad ang kanilang pintuan.

Agad daw dumating ang mga otoridad na kanilang tinawag, nag imbestiga at kumuha ng fingerprint.  

Magkahalong galit at pagkadismaya ang nararamdaman ng kanyang pamiya sa nangyari lalo pat kagagaling lang daw nila sa malaking gastusin ng umuwi siya ng Pilipinas.

“natakot ako para don sa mag ina ko kasi nanginginig yong mag ina ko eh first time na nangyari sa amin sa tagal ko na ditto” dagdag pa ni Ferdie.

Dahil sa nangyari ay agad daw silang lumipat ng ibang tirahan kinabukasan.

Laking pasalamat daw ng kanyang misis na hindi agad sila umuwi dahil kung nag abot pa daw sila nang magnanakaw sa bahay ay sigurado daw na magkakapanakitan sila.

Nanawagan sa mga OFWs ang Acting Head of Post ng Philippine Consulate Consul Rj Sumague na mas doblehin ang pag iingat.

“Pag lalabas po kayo ng inyong mga bahay ay I check po nyo maige kung naka double lock ang inyong pintuan” panawagan ni Sumague.  

Leave a Reply

Leave a Reply