About Us

Kaagapay,

Ang website po na ito ay ginawa para sa ating mga kababayan na nais magtrabaho sa Gitnang Silangan.

Mababasa po dito ang ibat ibang storya ng ating mga kapwa manggagawang Pilipino na makakapulutan ng aral na sya nating magsisilbing gabay sa ating pakikipagsapalaran sa Gitnang Silangan maging ng ibang mga kababayan nating nagbabalak ding makipag sapalaran sa lugar na ito.

Ang mga balitang inyong mababasa sa Kaagapay ay pawang nailabas na ng may akda sa mga pahayagan ng GMAnews.tv, Arab News, Pinoy Xtra at Saudi Gazette at ang iba naman ay mga press releases mula sa ating embahada at konsulada.

Kung inyo pong mapapansin tanging mga balita at storya lamang ng mga OFW sa Kaharian ang aking kinuha sa mga pahayagang nabanggit dahil ang website po na ito ay Talambuhay ng mga OFW sa Saudi Arabia.

Dito rin po niyo makikita ang mga storya ng ating mga kababayang nasa Gitnang Silangan na hindi po nailalabas sa mga pangunahing pahayagan.

Nais po rin naming ipaalam sa inyo na bukas din po ang website na ito para sa mga nagnanais na makapag bahagi ng kanilang mga talambuhay na may kinalaman bilang isang OFW at makakapagbigay ng magandang aral at gabay sa lahat.

Welcome po maging ang ating mga kababayan sa ibat ibang panig ng Gitnang Silangan na nais magbahagi ng kanilang mga storya.

Naway sa pamamagitan ng website na ito ay makita nyo kung ano ang buhay na kinakaharap ng ating mga manggagawang Pilipino dito sa Kaharian ng Saudi Arabia na magsisilbing salamin sa ating mga Kababayan na balak na makipag sapalaran sa Gitnang Silangan.

Ito po ay aking inaalay sa aking mga mahal sa buhay, sa mga kaibigan at kasamahan sa Kaagapay at sa mga kapwa ko OFW na nagbigay sa akin ng inspirasyon para gawin ang Kaagapaymo.

Nagpapasalamat po kami sa Poong Maykapal na syang nagbigay sa akin ng gabay para mabuo ang website na ito, sa mga tumulong para mabuo ang site na ito. Una sa Sagrada Familia, kay Ryan Ayala, sa aking mahal na pamilya, sa Kaagapay team at higit sa lahat sa mga Kapwa ko OFWs na syang nagbigay ng inspirasyon para mabuo ang website ng KaagapayMo at maging kapakipakinabang ito sa lahat.

 

OFW EMPOWERMENT

Isa sa adhikain ng Kaagapay ng bawat OFW ay ang OFW EMPOWERMENT. Nais po nating mapalakas ang hanay nating mga OFWs sa pamamagitan ng pgbibigay ng mga mahahalagang IMPORMASYON ke pangit man po o maganda na nagsisilbing GUIDE natin sa ating pakikipag sapalaran sa ibayong dagat.

Lahat po nang ating mga ibinabahagi na mga IMPORMASYON at STORYA ng mga OFW ay pawang nangyayari sa tutuong buhay na amin pong PERSONAL na nakakadaupan at naidodokumento
Masakit man mabasa pero eto ang katotohanan sa mga nangyayari na magsilbing aral sa ating lahat.